2 babae, huli sa buy-bust sa Malabon

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at May 23 2020 01:17 AM

Arestado ang dalawang babae sa buy-bust operation sa Barangay Bayan-Bayanan, Malabon City nitong Biyernes ng gabi. 

Ayon sa Northern Police District public information office, nakipagtransaksyon ang isang poseur buyer sa mga target ng operasyon sa tapat ng isang paaralan.

Nasa drugs watchlist ang isa sa mga suspek na nakuhanan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P60,000.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.