Wing van nahulog sa sapa, 2 patay

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at May 23 2019 05:44 PM

Nakaupo sa passengers' seat ang dalawang biktima nang mahulog sa sapa ang isang wing van. Martian Muyco, ABS-CBN News

Dalawa ang patay habang pito naman ang sugatan nang mahulog ang isang wing van sa highway na sakop ng Barangay Salong sa Kabankalan City, Huwebes ng madaling araw.

Nakilala ang mga nasawi na sina Jenalie Alfonso at Antonio Miralles, kapwa pasahero ng van. Ginagamot naman sa ospital ang driver nito na si Alberto Timtim Jr. at anim na iba pang pasahero na nagtamo ng minor injuries.

Patungong Barangay Tabugon ang mga pasahero ng van para maglako ng gulay.

Sa imbestigasyon, lumipat umano sa kabilang lane ang van kaya’t dumeretso at nahulog sa sapa sa tabi ng daan.

Posibleng mechanical failure o nakaidlip ang driver ng van kaya’t nahulog ito sa sapa.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.