Paglipat ng pamamahala ng PNPA sa PNP, nilagdaan na ni Duterte

Joyce Balancio, ABS-CBN News

Posted at May 23 2019 04:38 PM

MAYNILA - Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang batas na naglilipat sa training ng police recruits ng Philippine National Police Academy at National Police Training Institute sa ilalim ng Philippine National Police.

“We would like to thank Congress for passing it and of course, the President for signing it,” ayon kay PNP chief Oscar Albayalde.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11279, ipapailalim na ito sa supervision at control PNP mula sa dating Philippine Public Safety College. 

Magkaroon ang PNPA ng Dean of Academics at Commandant na parehong may ranggo na Police Brigadier General. 

Ang NPTI naman ay pamumunuan ng isang director na may ranggo na Police Major General. 

“The responsibility lies on us, wala na kaming pwedeng excuse dito kung ano man ang kalalabasan ng standard o quality of officers that we'll be producing from the academy,” dagdag ni Albayalde.

Inaamyendahan rin ng batas ang mandato ng Philippine Public Safety College na siyang hahawak naman sa training, human resource development at patuloy na edukasyon ng Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology. 

Isang Board of Trustees na bubuiin ng isang secretary at tatlong bureau heads ang tututok sa Philippine Public Safety College. 

Magiging epektibo ang batas 15-araw magmula ang official publication nito. 

Kasunod nito, magpapasa ang hepe ng PNP sa loob ng 120 na araw ng bagong table of organization, equipment at staffing pattern ng PNPA at NPTI sa National Police Commission at Department of Budget and Management. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.