Bangkay ng babae natagpuan sa drainage sa Northern Samar

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at May 23 2019 08:28 PM

Kuha ng Rosario Police

Natagpuan ang bangkay ng isang babae sa isang drainage sa bayan ng Rosario, Northern Samar nitong Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ellen Joy Deguia, residente ng Catarman, Northern Samar.

Napag-alaman na nakababa ang underwear ng biktima at may mga sugat sa ulo nito.

Inaalam ng pulisya kung ginahasa ang biktima at nakikipagtulungan din upang matukoy ang salarin at motibo sa krimen.

Nakuha na ng pamilya ang bangkay ng biktima.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.