4 tiklo sa hiwalay na drug bust sa Davao City

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at May 23 2019 10:55 AM

Timbog ang mg-asawang tulak umano ng ipinagbabawal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Davao City. 

DAVAO CITY – Apat katao ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon kontra droga sa lungsod, Miyerkoles ng gabi.

Unang nahuli ng mga operatiba ang isang mag-asawa matapos mabilhan ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa loob ng kanilang bahay sa Barangay 34-D.

Matagal na umanong minomonitor ng mga pulis ang mag-asawa sa pagkakasangkot ng mga ito sa ilegal na droga. Aminado naman silang tulak ng shabu.

Nagkasa rin ng operasyon sa parehong barangay ang mga operatiba pero hindi ang target ang nakatransaksiyon nila dahil nakatakas ito.

Sa halip, dalawang magkaibigang kasama rin ng target ang naaresto. Umamin silang gumagamit ng shabu. Nakuha mula sa kanila ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.