4 menor de edad, 13 iba pang babae nasagip sa spa sa QC

ABS-CBN News

Posted at May 23 2019 04:08 PM

MAYNILA — Nasagip ng mga awtoridad ang 17 kababaihan, kabilang ang apat na menor de edad, sa isinagawang rescue operation sa isang spa sa Banawe Street, Tatalon, Quezon City noong Miyerkoles ng gabi. 

Ikinasa ng Philippine National Police (PNP) Women and Children Protection Center ang operasyon dahil umano sa ilang ulat na hindi lang pagmamasahe ang nangyayari sa loob ng establisimyento. 

Ayon kay Police Lt. Col. Samuel Mina na kasama sa operasyon, nagsagawa sila surveillance sa lugar bago ang rescue ops. 

Timbog naman ang suspek na si alyas "Nica" na aminadong may ilegal na kahalayang nagaganap sa loob ng kanilang spa. 

Sasampahan si Nica ng kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act in relation to Sexual Exploitation and Child Labor.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.