2 patay sa banggaan ng tricycle, motorsiklo sa Negros Oriental

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at May 23 2019 06:31 PM

Nag-overtake umano ang tricycle kaya't sumalpok sa kasalubong na motorsiklo. Larawan mula sa Bayawan Police

Dalawa ang nasawi sa banggaan ng tricycle at motorsiklo sa highway na sakop ng Malabugas sa lungsod ng Bayawan, Negros Oriental, Martes ng gabi.

Nasawi sa aksidente si Romulo Pedrosa, driver ng tricycle, at ang nagmamaneho ng motorsiklo na si Marlon Queque.

Ayon sa imbestigasyon, nasa magkabilang lane ang tricycle at motorsiklo. 

Pero nag-overtake umano ang tricycle kaya’t sumalpok ito sa kasalubong na motorsiklo.

Sa lakas ng impact, nagliyab pa umano ang tricycle.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.