Pulis patay sa riding-in-tandem sa Mati

Paul Palacio, ABS-CBN News

Posted at May 23 2018 10:56 AM

Sakay ng puting pick-up si PO3 Walter Canja nang pagbabarilin ng riding-in-tandem, Mayo 21, 2018, sa Barangay Dahican. Photo courtesy of Mati Police

MATI CITY – Patay ang isang pulis matapos na tambangan ng 2 salarin na sakay ng isang motorsiklo sa Barangay Dahican, Lunes ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon ng Mati City Police, galing umano sa palengke si PO3 Walter Canja at pauwi na sakay ng kaniyang pick-up nang biglang may nag-overtake na motorsiklo at pinagbabaril siya.

Si Canja ay miyembro ng 2nd Provincial Regional Mobile Force ng Davao Oriental Police Provincial Office. 

Tatlo ang tinitingnang motibo ng pulisya sa pagpatay kay Canja. Una dito ang personal grudge. Ang ikalawa ay ang posibilidad na may kinalaman ang kaniyang pagkamatay sa trabaho nito bilang pulis at ang ikatlo ay ang pag-execute nito ng affidavit kung saan lumabas ang warrant of arrest laban sa isang tao.

Dating security escort ng 2 nagdaang Police Provincial Director ng Davao Oriental si Canja bago na-assign sa 2nd PRMF.

Samantala, Lunes din nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang salarin ang dating pulis na si Efipancio Comabig sa Sta. Maria, Davao Occidental.

Base sa report, sakay sa kaniyang motorsiklo ang biktima nang biglang harangin ng mga suspek na naka-bonnet at pagbabarilin. May ulat ni Bonna Pamplona, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.