11 sugatan matapos tamaan ng kidlat sa Negros Occidental

Mark Salanga, ABS-CBN News

Posted at May 23 2018 12:14 AM

BAGO CITY, Negros Occidental - Sugatan ang 11 katao matapos tamaan ng kidlat sa Bago City, Negros Occidental nitong Martes ng hapon.

Ang mga biktima ay nasa loob ng chapel ng Sitio Pandan, Barangay Ma-ao at nagrorosaryo nang tumama ang kidlat.

Nawalan ng malay ang karamihan sa mga biktima matapos ang insidente at nagtamo ng minor injuries.

Sa 11 na natamaan ng kidlat, 9 dito ay bata.

Ayon sa mga nakakita, tumama ang kidlat sa isang bata na naglalaro ng cellphone.

Hindi nila matukoy kung sino sa mga bata dahil masikip ang kapilya na may 46 na tao sa loob.

Ayon sa paring si Arnel Gremio, sila ay nagtipon-tipon dahil sa Flores de Mayo sa kanilang lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.