Sanggol, inabandona sa gilid ng estero sa Laguna

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at May 23 2017 11:04 AM

STA. ROSA, Laguna - Nasagip ang isang bagong silang na sanggol na inabandona sa gilid ng estero sa Barangay Malitlit sa bayang ito, Lunes.

Bandang alas-11 ng gabi natagpuan ng rumorondang volunteer brigade ang lalaking sanggol matapos marinig ang mga iyak nito.

Nakita ang sanggol na nakasilid sa plastic bag at nakadikit pa ang umbilical cord sa pusod.

Dinala sa Sta. Rosa Medical Center ang sanggol para ipasuri bago inilipat sa community hospital kung saan nagpapahinga na ito.

Iniimbestigahan ng Social Welfare and Development Office ng bayan kung sino ang magulang ng bata.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.