P350-K halaga ng shabu, nasamsam mula sa 6 na suspek

Greanne Mendoza, ABS-CBN News

Posted at May 23 2017 09:25 AM

Tatlo sa anim na kataong inaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Bugo, Cagayan de Oro City. Nakuha mula sa kanila ang nasa P350-K halaga ng shabu.

CAGAYAN DE ORO CITY – Anim na katao ang naaresto ng awtoridad matapos ang isang buy-bust operation sa Barangay Bugo.

Nakilala ang mg suspek na sina Maryl-O Magas, Jor-R Saarena, John Ric Ambid, Winston Esmile, Edna Mae Saarenas at Jemboy Arriba—pawang nakatira sa isang bahay.

Nakuha mula sa kanila ang 54 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P351,000. Naniniwala ang mga awtoridad na ang nasamsam na droga mula sa 6 na suspek ay mga tira mula sa pagbebenta nila shabu noong piyesta ng nakaraang lingo.

Dinarayo umano ang kanilang bahay na nagsilbi din bilang drug den para sa mga customer nila.

Wala sa kanilang anim ang umaming nagbebenta ng ipinagbabawal na droga.

Sasampahan sila ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.