Naaagnas na bangkay, natagpuan sa Sarangani

Chai Tabunaway, ABS-CBN News

Posted at May 23 2017 01:26 PM

Hindi pa nakikilala ang bangkay ng isang lalaki na natagpuang naaagnas na sa Alabel, Sarangani.

Ayon sa residenteng nakakita sa bangkay, may kinukuha siya sa puno ng saging nang may maapakan. Nang suriin, isa na pala itong bangkay. 

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, posibleng nasa tatlo hanggang apat na araw na ang bangkay bago ito natagpuan. Mainit at maulan din sa bayan kaya inuuod na rin ang katawan.

Mayroon umanong 22 saksak ang biktima.

Posible umanong sa ibang lugar pinatay ang biktima at doon lamang itinapon ang bangkay nito.

Sa ngayon, nananawagan ang Sarangani police sa publiko na may nawawalang kapamilya na magtungo sa Angel Funeral Home sa Alabel upang kilalanin ang bangkay ng biktima.

Nakasuot ng black and white t-shirt, black jacket, maong pants, at itim na tsinelas ang biktima na nasa 5'3 hanggang 5'5 ang taas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.