Menor de edad, patay sa pamamaril sa computer shop

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at May 23 2017 08:57 AM

Patay ang isang 17-anyos na lalaki matapos barilin sa loob ng isang computer shop sa Tondo, Maynila Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Marvin Galicio, isang out of school youth at residente ng Parola Compound.

Ayon sa Manila Police District, naglalaro lamang ang biktima sa "pisonet"cafe sa lugar nang bigla na lang siyang binaril ng isang hindi nakilalang lalaki.

Tumakbo lamang papalayo ang salarin na ayon sa mga saksi ay nakasuot ng sumbrero, gray na polo shirt, may taas na 5'7" at tinatayang nasa edad 30-35.

Wala namang nakakabit na CCTV sa lugar.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa posibleng motibo sa pamamaril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.