Lalaki patay sa pamamaril sa Muntinlupa

ABS-CBN News

Posted at May 23 2017 08:09 AM

Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki nang pagbabarilin sa madilim na residential area sa South Upper Sucat, Muntinlupa City.

Ayon sa Muntinlupa Police Station 4, pasado ala-1 ng madaling araw nang makatanggap sila ng ulat sa insidente.

Kuwento ng ilang residente, hindi bababa sa 5 magkakasunod na putok ng baril ang narinig sa lugar bago nadiskubre ang duguang lalaki.

Walang nakakita sa salarin pero may CCTV camera sa lugar na puwedeng makatulong sa imbestigasyon.

Posibleng hindi nakatira sa lugar ang biktima dahil wala sa mga residente ang nakakakilala rito. Patuloy na iniimbestigahan ang krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.