Dating sumuko sa Tokhang, patay nang manlaban sa buy-bust

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at May 23 2017 08:08 AM

Makikita sa crime scene ang mga naiwang gamit ng suspek na isang mekaniko. Kuha ni Ron Lopez

Patay sa operasyon ng pulisya sa Paco, Maynila ang isang hinihinalang tulak ng droga.

Dead on the spot ang suspek na kinilalang si Marco Bandin, alyas Tabalong, 30 anyos at isang mekaniko.

Ayon sa pulisya, kinutubuan ang suspek nang nagkakaabutan na ng shabu at pera sa buy-bust, at kaagad itong bumunot ng baril.

Pero bago pa man makapagpaputok ang suspek ay inunahan na ito ng operatiba dahilan para ito mapatay. Nagtamo ng tama ng bala sa katawan si Bandin.

Ayon sa mga residente, sumuko na sa Oplan Tokhang ang biktima at kilala itong gumagamit ng droga.

Nakuha ng mga awtoridad sa crime scene ang isang 9-mm caliber revolver, dalawang basyo ng bala, at walong sachet ng hinihinalang shabu.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.