Batas vs drunk driving, di mapatupad dahil kulang sa gamit

ABS-CBN News

Posted at May 23 2017 09:01 PM

Pinagdebatehan sa dalawang kapulungan ng Kongreso. Napirmahan ng Pangulo at naisabatas. Pero may ilang mga batas na humaharap pa rin sa mga hadlang sa pagpapatupad dahil sa kalituhan sa implementasyon o kakulangan sa kagamitan.

Isa sa mga batas na ito ay ang Republic Act 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013 na isinabatas dahil sa dumaraming kaso ng road crash sanhi ng mga driver na lango sa alak o droga.

Ayon sa Land Transportation Office, nagkaroon ng hadlang sa pagpapatupad nito dahil nagkulang sila sa mga gamit na kailangan gaya ng breath analyzer na siyang susukat sa alcohol level ng mga sisitahing driver.

Noong una ay mayroon lamang 150 na breath analyzer ngunit ngayon ay nagdagdag na ang ahensiya ng 300 na ipamamahagi sa mga enforcers sa buong bansa.

Bukod sa kakulangan sa breath analyzer, aminado ang LTO na hindi kayang bantayan ng kanilang enforcers ang lahat ng mga motorista.

Pero naniniwala ang LTO na matapos lang ang training ng enforcers, masisimulan na rin nilang ipatupad ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013. 

Abangan ang buong ulat sa Bandila. 

-- Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.