6 preso nakatakas sa San Pedro, Laguna

Noel Alamar, ABS-CBN News

Posted at May 23 2017 09:18 AM

Anim na bilanggo ang nakatakas mula sa kanilang selda sa San Pedro Police Lockup Jail sa Laguna.

Kinilala ang mga presong sina Benjo Lopena, Mark Joseph Alviar, Jordan Ybañez, Niño Hernandez, Rey Rodrigo at Arvin Basilan.

Ayon kay Supt. Harold Repositar, hepe ng San Pedro police, pinutol ng mga preso ang rehas na bakal ng kulungan para makatakas.

Karamihan sa mga pugante ay may mga kasong kaugnay sa ilegal na droga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.