3 surveyor, patay sa tama ng kidlat sa Bukidnon

Joey Yecyec, ABS-CBN News

Posted at May 24 2017 02:05 AM

BUKIDNON - Patay ang isang 60 taong gulang na babae matapos tamaan ng kidlat habang nagtatrabaho sa isang pinyahan sa bayan ng Libona, sa probinsyang ito Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Geronima Lumapac. Dalawa rin sa kanyang mga kasamahan, na kinilalang sina Oliver Semene at Ruel Virador, ang isinugod sa ospital.

Nagtatrabaho bilang mga surveyor sa pinyahan ang tatlong biktima.

Ayon sa mga pulis, sumilong sa ilalim ng puno ang tatlo dahil sa malakas na ulan.

Ayon kay Police Inspector Dino Cuevas, officer-in-charge ng Libona Municipal Police Station, maaaring tinamaan ng kidlat ang tatlo matapos gamitin ni Lumapac ang kanyang cellphone.

Nakatakda nang magretiro si Lumapac mula sa kanyang trabaho ngayong buwan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.