Pabor ang alkalde ng Dumaguete City na si Mayor Felipe Remollo na ipagpaliban muna ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa lungsod hanggang hindi pa tapos ang kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Ayon kay Remollo, naging mapayapa naman na sa lalawigan, kabilang ang Dumaguete City, ngunit hindi pa rin kampante ang mga pulitiko kaugnay ng kanilang seguridad.
“Nag-calm down ang fears ng tao, except for some officials who are not taking chances na hindi sila babawian," aniya.
“May mga pulitiko requesting for security just to be safe pa tinipan (binigyan kami ng tip) kung ilan ang hired killers, potential assassins o nag cut na ba ang umbilical cord sa mastermind, especially politicians doon kami nangangamba," dagda pa ni Remollo.
Nilinaw din ng alkalde na malayang nakakaikot sa lungsod ang mga residente at bisita.
Sa kabila nito, sang-ayon pa rin siyang ipagpaliban muna ang BSKE. Nakikipag-ugnayan na umano siya kay Sen. Francis Tolentino.
“I'm in favor because I am not yet confident that the tension has subsided...I have spoken to Senator Tolentino, I was suggesting to him, he told me whatever solutions I have in the ground bibigay ko sa Comelec," ani Remollo.
Ayon pa kay Remollo, mas delikado pa ang halalang pambarangay kaysa sa national elections.
“Barangay elections are more intense, more election-related crimes. Emotional dahil pamilya versus pamilya, small area, partisan. Non-partisan, but are partisan in the actual exercise," paliwanag niya.
Sa ngayon, hindi pa matukoy ni Remollo kung ano ang posibleng kahihinatnan kung lumabas na ang desisyon sa suspendidong si Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr.
“Kung publicly announced as mastermind kung mangyari 'yon, 'di natin alam move ng House of Representatives kung sisipain ba, may reaction ba sa concerned personalities through supporters," aniya.
Direktang mensahe naman ni Remollo kay Teves, makinig na lang sa kanyang abogado.
"You just have to follow your lawyers, that’s why you hired 2 lawyers because they know what to do," aniya.
“DOJ and our government are in control of the situation. Nagpakita na ang Marcos admin na may political will. The wheels of justice are rolling there will be a decision, natural course lang," dagdag pa ni Remollo.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.