Sunog sumiklab sa residential area sa Maynila, Caloocan

Reiniel Pawid, ABS-CBN News

Posted at May 22 2022 12:53 AM

Dalawang magkahiwalay na insidente ng sunog ang naitala sa Maynila at sa Caloocan City nitong Sabado.

Pasado alas 5:20 ng hapon nagsimula ang sunog sa Maaliwalas st., Brgy. 867 sa Pandacan, Manila.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na tumupok sa 2-storey na bahay.

Idineklarang fire out ang sunog alas 7 ng gabi.

Samantala, sa Barangay 69 sa Caloocan City naman ay tinupok ng apoy ang isang residential area sa bahagi ng Baltazar St. 

Umabot sa 1st alarm ang sunog bandang alas 5:44 ng hapon.

Agad din namang naapula ang apoy alas 6:52 ng gabi.

Inalaam pa ng Bureau of Fire Protection kung ano ang pinagmulan ng dalawang sunog.