PatrolPH

Sunog sumiklab sa isang resort sa Camarines Sur

ABS-CBN News

Posted at May 22 2022 08:23 AM

Isang establisimyento ang nasunog gabi ni Mayo 21, 2022 sa isang beach resort sa Pasacao, Camarines Sur. Kuha ni Norly Saniel
Isang establisimyento ang nasunog gabi ni Mayo 21, 2022 sa isang beach resort sa Pasacao, Camarines Sur. Kuha ni Norly Saniel

Isang two-storey building sa isang beach resort sa Pasacao, Camarines Sur ang nasunog gabi ng Sabado, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Sa ulat ng BFP, sinabi nitong pasado alas-7 ng gabi nangyari ang insidente posible dahil sa electrical ignition. Ito ay maaaring sanhi ng overloading sa mga electrical appliances.

Gawa lamang ang bubong ng natupok na building sa light materials.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Aabot sa P84,000 ang halaga ng pinsala ng sunog, ayon sa BFP.

- Ulat ni Karren Canon

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.