PatrolPH

Pinoy sa Japan, kinilala sa ginawang kabayanihan

ABS-CBN News

Posted at May 22 2022 12:43 PM | Updated as of May 22 2022 02:48 PM

Kinilala ng kapulisan ng Asaka City, Saitama, Japan ang OFW na si Emil Reboja Vega dahil sa kabayanihang ginawa nito matapos maisalba ang isang Hapong nagtangkang magpakamatay doon noong Abril. Retrato mula kay Jewel Meneses Vega

MANILA — Kinilala ang kabayanihan ng isang Pinoy sa bansang Japan.

Naisalba ng 32 anyos na si Emil Reboja Vega ang isang residente sa Asaka City, Saitama Prefecture na nagbalak magpakamatay sa isang tulay noong Abril 24.

Kinilala ni Asaka City Police Commissioner Chief Police Inspector Makoto Sato ang mabuting ginawa ni Vega. 

Para dito, binigyan siya ng certificate ng lokal na kapulisan doon sa isang seremonya nitong nakaraang Huwebes.

Tubong Albuera, Leyte si Vega.

Namamasukan si Vega bilang isang plumber sa Japan kung saan siya nagtatrabaho sa loob ng 16 taon.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.