Nagdaos ng isang Misa ang ilang residente at opisyal ng Barangay Pilar sa Abuyog, Leyte bilang paggunita sa ika-40 araw mula nang tamaan ng landslide ang kanilang lugar. Courtesy: LGU Abuyog
MANILA — Ginunita nitong Sabado ang ika-40 araw mula nang mag-landslide dulot ng Bagyong Agaton, sa Barangay Pilar sa Abuyog, Leyte.
Isang Misa ang idinaos para sa mga kaluluwa ng mga namatay sa naturang kalamidad.
Nag-alay rin ng bulaklak at dasal para sa mga nasawi.
Pinangunahan ang paggunita ng mga opisyal ng Abuyog kasama ang mga survivor sa pinangyarihan ng trahedya.
Matatandaang noong Abril, nagdlot ng malawakang pagbaha at landslide ang pananalasa ng Bagyong Agaton sa ilang bahagi ng Leyte.
Nagkaroon noon ng malaking landslide sa Barangay Pilar.
Bukod sa mga ari-arian, maraming tao ang namatay. May iilan pang nawawala matapos ang trahedya.
Hindi bababa sa 100 katao ang nasawi sa mga landslide na dulot ng Bagyong Agaton.
Kasabay sa dahan-dahang pagbangon, sinisikap ng lokal na pamahalaan ng Abuyog na maipatayo ang mga temporary shelters para sa mga survivor.
— Ulat ni Ranulfo Docdocan
FROM THE ARCHIVES:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.