PatrolPH

Babae patay matapos umanong hampasin ng kapatid sa Cagayan de Oro

ABS-CBN News

Posted at May 22 2022 11:21 AM

Patay ang isang babae sa Cagayan de Oro City matapos umanong hampasin ng kahoy ng nakababata niyang kapatid. Retrato mula kay Jane Aranco.
Patay ang isang babae sa Cagayan de Oro City matapos umanong hampasin ng kahoy ng nakababata niyang kapatid. Retrato mula kay Jane Aranco.

Natagpuang patay nitong Sabado ang isang babae sa Cagayan de Oro City matapos umanong hampasin ng kahoy sa ulo ng nakababatang kapatid, ayon sa pulisya.

Wala nang buhay nang madatnan ng mga residente ng Barangay Pagatpat ang 33 anyos na babae, sa damuhang malapit lang sa bahay nito.

Sumuko naman sa mga tauhan ng barangay ang suspek at inaming siya ang nakapatay sa ate gamit ang panggatong na kahoy.

"Ayon sa suspek, pumunta siya sa bahay ng biktima dahil naiingayan siya sa radyo," sabi ng imbestigador na si Police Master Sgt. Ariel Reursora.

"Nagkainitan ang dalawa at nasuntok ng biktima ang kaniyang kapatid. Kumuha ng kahoy ang biktima pero naagaw ito ng suspek, at ito rin ang ginamit para hampasin sa ulo ang biktima," dagdag ng pulis.

Ayon naman sa mga magulang, may sakit sa pag-iisip ang suspek.

Nasa kustodiya ngayon ng pulisya ang suspek, na sasampahan ng kasong murder.

— Ulat ni Rod Bolivar

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.