PatrolPH

5 magkakaibigan timbog sa umano'y pot session sa Pasig

ABS-CBN News

Posted at May 22 2022 11:44 AM

Naaresto nitong Sabado ang 5 lalaki matapos umanong mahuli ng mga awtoridad na gumagamit ng ilegal na droga sa Pasig City.

Ayon sa pulisya, matagal na nilang minamanmanan ang magkakaibigan dahil sa paggamit ng ilegal na droga.

Hinuli ang mga suspek matapos maaktuhang nagpa-pot session sa isang parking lot sa Barangay Bambang.

Nakuha sa mga suspek ang 2 pirasong glass tubes na may lamang marijuana at isang disposable lighter.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, may mga kasama pang kabataan ang 5 suspek, na sangkot din sa paggamit ng ilegal na droga.

Inaalam naman ngayon ng mga awtoridad kung saan kumukuha ng supply ang mga suspek.

— Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.