PatrolPH

3 menor de edad patay sa aksidente sa Capiz

ABS-CBN News

Posted at May 22 2022 01:00 PM | Updated as of May 22 2022 11:48 PM

Patay ang 3 teenager matapos mabanga ang sinasakyan nilang motorsiko sa Dumarao, Capiz, Mayo 22, 2022. Retrato mula sa BFP Dumarao
Patay ang 3 teenager matapos mabanga ang sinasakyan nilang motorsiko sa Dumarao, Capiz, Mayo 22, 2022. Retrato mula sa BFP Dumarao

Patay ang 3 menor de edad na lalaki matapos mabangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Dumarao, Capiz, madaling araw ng Linggo.

May edad 12 ang dalawa sa mga nadisgrasya, habang 13 taong gulang naman ang isa nilang kasamahan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ng motorsiklo ang mga biktima at pagdating sa pinangyarihan ng aksidente, bigla silang lumiko pakaliwa at nabangga ng isang paparating na sasakyan.

Sa lakas ng banggaan ay tumilapon sa kalsada ang mga biktima.

Mabilis namang rumesponde ang mga awtoridad at agad dinala sa ospital ang mga biktima, pero idineklara ang mga itong dead on arrival dahil sa mga tinamong sugat sa kanilang mga ulo.

Mabilis umano ang pagpapatakbo ng driver ng sasakyan nang mangyari ang insidente, ayon sa mga awtoridad.

Wala naman umanong suot na helmet ang mga biktima nang mabangga sila ng sasakyan.

Nasa kustodiya na ng Dumarao police ang driver ng sasakyan habang hinihintay ang desisyon ng mga pamilya ng mga biktima kung magsasampa ng kaso.

— Ulat ni Rolen Escaniel

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.