Kauna-unahang 'virtual graduation' sa PMA isinagawa dahil sa COVID-19

Micaella Ilao, ABS-CBN News

Posted at May 22 2020 04:42 PM | Updated as of May 22 2020 10:10 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

BAGUIO CITY — Isang babaeng kedete na anak ng magsasaka at tubong-Isabela ang nanguna sa Philippine Military Academy (PMA) Masidlwain Class of 2020.

Siya si Cadet 1st class Gemalyn Sugui, ang valedictorian ng Masidlawin Class of 2020. Siya ay tubong Echague, Isabela at magsasaka ang kaniyang ama habang guro naman ang kaniyang ina.

Nagtapos din si Sugui bilang valedictorian noong high school at graduate naman ng Bachelor of Science in Management Economics sa University of the Philippines Baguio.

Siya ang ika-6 na babaeng class valedictorian simula noong 1993.

Narito ang listahan ng mga nasa top 10 ng PMA Masidlwain Class of 2020:

  • Cadet 1st Class Jade Villanueva ng Tacloban City
  • Cadet 1st Class Jefferson Salazar ng Zamboanga City.
  • Cadet 1st Class Rojes Gaile Jamandre ng Lamut, Ifugao
  • Cadet 1st Class Jeb Bay-an ng Benguet
  • Cadet 1st Class Catabay Ladyong ng Tabuk, Kalinga
  • Cadet 1st Class Vanelyn Angel Tabao ng Tuguegarao City
  • Cadet 1st Class June Giel Anne Factor ng Piddig, Ilocos Norte
  • Cadet 1st Class Rubenson Abgao Maliwanag ng Baroy, Lanao del Norte
  • Cadet 1st Class Dencel Aina Bayaca ng Floridablanca, Pampanga

Iyun nga lang, dismayado ang mga kadete dahil hindi sila magkakaroon ng pagmamartsa sa graduation dahil sa COVID-19 pandemic.

"I believe this is a necessary decision in order to safeguard the health and general well-being of the CCAFP (Cadet Corps, Armed Forces of the Philippines) and the whole PMA community... As a parent, I know how heartbreaking and disappointing that decision is, but we have to do what is best for all. Safety and health are paramount at all times,” ani PMA Superintendent Admiral Allan Ferdinand Cusi.

Nitong Biyernes, isinagawa ang kauna-unahang virtual graduation sa kasaysayan ng PMA.

Nasa 190 ang kabuuang bilang ng PMA Masidlwain Class of 2020, 170 ang lalaki habang 23 naman ang babae.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.