Inilatag na COVID-19 protocols tutukan ng publiko habang wala pang bakuna: eksperto

ABS-CBN News

Posted at May 22 2020 09:12 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa kabila ng mga kaliwa’t kanang kampanya o hakbang para mabuo ang bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) mahalaga para sa isang eksperto na tutukan ang pamumuhay sa ngayon habang wala pa ito. 

"I think our main focus should be life without a vaccine. Kasi when we focus on life without a vaccine or life without treatment, we’re more aware of our surroundings," ayon sa infectious disease expert na si Benjamin Co. 

"We’re more aware of staying hygienic, we’re more aware of social distancing. We’re more aware of how we go out, how we live our lives post COVID,” dagdag niya. 

Kabilang sa mga isinusulong na kampanya ang “1 Day Sooner,’ na may 24,000 volunteers mula sa higit 100 bansa na sasailalim sa human challenge trial. 

“Ang layunin nito ay mapabilis ang ating pagkalap ng information o scientific evidence na itong apat na gamot na kasama dito sa solidarity trial ay talagang epektibo sa COVID-19,” ani JP Tonolete ng World Health Organization - Philippines. 

Ayon kay Co, mahalagang makagawa ng mabisa at ligtas na bakuna sa lalong madaling panahon para mas maraming buhay ang maisalba. 

“If you speed up vaccine development by a day and considering that you have around 300,000 people that have died in the last 3 months, 1 day would save at least 7,000 lives. One week will save almost 40,000 and a month siguro about 200,000. It’s a race against time,” ani Co. 

Gayunman, iginiit ni Co na mas makakatulong sa kaligtasan ng lahat kung pagtuutunan muna ang sitwasyon ngayon, dahil aabutin ng buwan o kaya taon bago makabuo ng bakuna. 

— Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.