Tren ng LRT-1 nagliyab sa Maynila Martes ng gabi

ABS-CBN News

Posted at May 22 2019 10:24 AM

Nagkaroon ng pagliyab sa isa sa mga tren ng LRT Line 1 Martes ng gabi na nagdulot ng makapal na usok sa Blumentritt station sa Maynila. 

Hindi naman nakaapekto ng operasyon ng LRT-1 at napullout din ang tren habang nagsasagawa ng imbestigasyon.

Kwento ng nakasaksi na si Daniel Nobleza, nag-aantay sila ng tren mula Blumentritt station nang makaamoy sila ng tila nasusunog na wire sa dumarating na tren. 

Paghinto umano ng tren ay agad daw lumiyab ang apoy at pinalayo ang mga pasahero. 

Ayon kay Rochelle Gamboa ng LRT-1, galing sa underbody o sa ilalim ng tren ang usok na napatay naman sa loob lang ng 4 na minuto.

Nitong Miyerkoles aniya ay may 28 tren ang LRT na tuluyang nag-o-operasyon. 

-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN Newss

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.