Sundalo patay sa engkuwentro sa Northern Samar

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at May 22 2019 09:06 PM

Patay ang isang sundalo sa engkuwentro sa bayan ng Laoang, Northern Samar Martes ng madaling araw.

Batay sa impormasyon mula sa Police Regional Office 8, nangyari ang engkuwentro alas-4 ng madaling araw sa Barangay E.J. Dulay sa nasabing bayan.

Nilusob ng aabot sa 50 hinihinalang miyembro ng New People's Army ang kampo ng 63rd Infantry Battalion ng Philippine Army.

Agad namang nakaposisyon ang mga sundalo at umabot sa 30 minuto ang bakbakan ng dalawang panig.

Isang sundalo ang napatay sa engkuwentro habang hindi pa matukoy kung may nasawi sa panig ng mga rebelde.

Ang mga sundalo ang nagsisilbing security force sa road project ng gobyerno sa nasabing lugar.

Patuloy ang operasyon ng mga sundalo at pulis laban sa mga rebelde.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.