Retiradong pulis patay sa pamamaril sa Navotas

ABS-CBN News

Posted at May 22 2019 03:49 PM

Napatay ang isang retiradong pulis matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Navotas City noong gabi ng Martes.

Kinilala ang biktima bilang si Benjamin Ramos, 54, at dating nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group.

Sakay ng motorsiklo si Ramos bandang alas-7 ng gabi sa Barangay Daanghari nang bigla siyang pagbabarilin ng mga salaring sakay rin ng motorsiklo, ayon sa imbestigasyon ng pulisya.

Mabilis na nakatakas ang mga salarin sa direksiyon papunta sa Barangay San Roque.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang pitong napaputok nang cartridge case ng hindi pa natutukoy na baril.

Patuloy ang imbestigasyon ng Navotas City Police Station para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin. 

--Ulat ni Jaehwa Bernardo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.