P1 milyong halaga ng 'shabu' nakuha sa magkaibigan sa Naga

ABS-CBN News

Posted at May 22 2019 05:10 PM

Dalawang magkaibigan ang inaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Naga City police sa Barangay Balatas nitong Miyerkoles ng madaling araw. 

Kinilala ang suspek na si Eric Labana, na dating janitor. 

Tumanggap umano si Labana ng P50,000 marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer. 

Arestado rin ang kaibigan ni Labana na si Marcelino Antonio na naabutan ng mga pulis nang mangyari ang operasyon. 

Ayon kay Police Master Sgt. Tobias Bongon, tagapagsalita ng Naga City police, aabot sa P1 milyong hinihinalang shabu ang nasabat sa suspek. 

"Eventually nung nagkahulihan na, may nakuha pang nakatali na plastic na may laman na shabu," ani Bongon. 

Ayon kay Labana, nasangkot lang siya sa pagtutulak sa tukso ng mga kaibigan. 

Ayon naman kay Antonio, nadamay lang siya. 

Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa dalawang suspek.

-- Ulat ni Mylce Mella, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.