Dahil sa away sa higaan: Basurero sinaksak sa ilalim ng Kamuning Flyover

ABS-CBN News

Posted at May 22 2019 11:13 AM

MAYNILA — Nakahandusay at wala nang buhay sa ilalim ng Kamuning Flyover ang isang lalaking nangangalakal ng basura matapos pagsasaksakin bandang alas-3 ng madaling araw Miyerkoles

Kinilala ang biktima na si Danny Abalos, 34. 

Kuwento ng kinakasama ng biktima na si Jackelyn Bungad, katatapos lang nila mangalakal at matutulog na sana nang makaalitan ni Abalos ang kaibigang si alyas "Jun," na isa ring basurero. 

Away sa mahihigaan kariton ang sinasabing ugat ng away na kalauna'y nauwi sa pananaksak. 

Agad namang kumaripas paalis ang suspek.

Problemado ngayon si Bungad lalo na't may 3 anyos na anak siyang kailangang buhayin mag-isa. 

Wala rin umano siyang pera para pampalibing sa kanyang ka-live in.

Nagsasagawa na rin ng follow-up operation ang pulisya para matunton ang suspek.


—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.