'Makakalimuting' masahista, nawawala matapos mag-home service

ABS-CBN News

Posted at May 22 2018 01:48 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Patuloy na pinaghahanap ngayon ang isang babae na nawala matapos magmasahe ng kostumer sa Tatalon, Quezon City nitong Mayo 13.

Nagtungo nitong Lunes sa programang "Lingkod Kapamilya" ng DZMM ang anak ng nawawala upang manawagan.

Ani Elena Seña-Balbis, hindi na nakauwi ng kanilang tirahan ang inang si Maria Sacil Seña, 59 anyos, matapos magserbisyo ng masahe sa kanilang lugar.

Sinundo umano ito ng isang "pipi" alas-8 ng umaga upang ihatid sa kostumer na nais magpamasahe, ngunit umalis rin daw ito matapos magserbisyo.

Ayon sa anak nito ay makakalimutin na ang ina.

Nakasuot si Seña ng violet na damit at green na checkered short nang mawala ito.

Kabilang sa mga palatandaan kay Seña ay ang maiksi at kulot nitong buhok.

Para sa mga may impormasyon kay Seña ay makipag-ugnayan lamang sa kaniyang mga kapamilya sa mga sumusunod contact numbers:

• 0936-547-0471
• 0909-584-4689
• 0947-303-0646

Maari ring kontakin ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya Tulong Center sa pamamagitan ng telephone numbers 414-1296 o 414-5431.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.