Jeep nahulog sa bangin sa Cebu; 15 sugatan

Edgar Escalante, ABS-CBN News

Posted at May 22 2018 07:09 PM

NAGA CITY, Cebu—Nahulog sa bangin ang 1 pampasaherong jeep matapos mabangga ng isang 10-wheeler truck sa lungsod na ito Martes ng hapon.

Minamaneho ni Juneeth Adorna ang jeep galing southern Cebu papuntang Cebu City. Bigla umanong huminto ang jeep para magsakay ng mga pasahero nang mabangga ito ng kasunod na trak na minamaneho ni Gilbert Betonio.

Ayon kay PO2 Arnel Olmoguez, sugatan ang 15 pasahero ng jeep, kabilang na si Adorna.

Agad na dinala sa ospital ang mga sugatang pasahero.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.