Emergency room ng PGH, sarado simula Hunyo 1

ABS-CBN News

Posted at May 22 2018 09:47 PM | Updated as of May 23 2018 08:28 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pansamantalang isasara ang emergency room (ER) ng Philippine General Hospital (PGH) simula Hunyo 1, Biyernes.

Ayon kay Dr. Jonas del Rosario, tagapagsalita ng PGH, isasagawa na ang itinakdang renovation o pagsasaayos sa ER na halos 10 taon na rin mula noong huling isaayos.

Paliwanag ni del Rosario, kailangang-kailangan na ang renovation para matiyak ang maayos na serbisyo publiko sa hinaharap.

Tinatayang magtatagal ng apat hanggang walong buwan ang renovation.
 

Puwede pa rin namang tumanggap ng emergency cases ang PGH pero dahil mas maliit ang kapasidad ng gagamiting kuwarto, nag-abiso na ang ospital sa mga pasyente na maghanap ng ibang pagamutan kung hindi naman sobrang emergency ang lagay.

"The real emergencies like trauma, heart attack, stroke, definitely we will attend to these and we will stabilize these patients, and if we can absorb them and admit them then we will. But if not, we have to transfer them to other hospitals," ani del Rosario.

-- May ulat nina Johnson Manabat at Kori Quintos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.