Pagpapatupad ng mga batas-trapiko, pinaigting sa Dumaguete

Annie Fe Perez, ABS-CBN News

Posted at May 22 2017 12:47 PM

Nagsagawa ng malawakang operasyon sa mga kalsada ng Dumaguete City ang Highway Patrol Group ng Negros Oriental, Lunes ng umaga upang hulihin ang mga lumalabag sa Traffic Code of the Philippines.

Kasabay nito, kanila ring ipinalaganap ang impormasyong ukol sa Children's Safety on Motorcycles Act, na nagbabawal sa pag-angkas ng mga bata sa mga motorsiklong babagtas sa mga national road at highway.

Ayon sa pinuno ng HPG-Negros Oriental na si PSI Robelito Mariano, bibigyan nila ng isang linggo ang mga motorista bago nila hulihin ang mga lalabag dito.

Ang pagmo-motor ay isa sa mga pangunahing paraan ng transportasyon sa Dumaguete City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.