Miyembro ng CAFGU, patay sa pamamaril sa Albay

ABS-CBN News

Posted at May 22 2017 05:58 PM

ALBAY - Isang aktibong miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) ang namatay sa pamamaril sa Barangay San Francisco sa bayan ng Santo Domingo sa Albay Linggo ng gabi.

Dead on the spot si Nino Abellano, 29 taong gulang, nang pagbabarilin sa inuupahang bahay ng kapatid.

Ayon sa kapatid ng biktima, sa ilalim ng lababo sa kusina namatay ang biktima. Nagtago ito matapos habulin ng putok ng suspek na si Joemer Zafe.

Agad ring nakatakas ang suspek.

Sa imbestigasyon ng pulisya, posibleng nag-ugat ang insidente nang pagbawalan ng biktima ang pamangkin nitong menor de edad na pumunta sa bahay ng suspek.

Nasa 21 bala ng kalibre .45 na baril ang narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.