Hinihinalang drug pusher nanlaban, patay sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at May 22 2017 10:05 AM

Patay ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos umanong manlaban sa mga pulis sa Barangay 18, Caloocan City.

Dead on the spot ang suspek na kinilalang si Joel "Itok" Villanueva na dati na umanong nakulong sa kasong murder.

Ayon sa mga awtoridad, nasa kalagitnaan sila ng buy-bust operation nang kutuban ang suspek na pulis ang kanyang katransaksiyon.

Nagpaputok ang agad ang suspek dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis. Tinamaan ng bala sa ulo ang suspek.

Narekober mula sa suspek ang 7 sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at isang kalibre .45.

Napag-alamang naging barangay tanod pa sa kanilang lugar ang suspek pero pinatalsik din dahil sa bisyo.

Sumuko na rin umano ito sa Oplan Tokhang pero hindi ito nagbago at nagpatuloy sa pagbebenta ng ilegal na droga.--ulat mula kina Angel Movido at Ron Lopez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.