Dyan Fit: 'Trapo workout' para sa upper at lower body

ABS-CBN News

Posted at May 22 2017 12:15 PM | Updated as of May 31 2017 12:14 AM

Ang 'trapo workout' ay mura at simple, pero epektibong exercise para sa upper at lower body.

Sa push-up position, ilagay ang trapo sa ilalim ng dalawang kamay.

Maraming variation sa push-up na makakapag-exercise ng likod, chest braso, at lalo na ang abs.

Siguraduhin lang na mag-workout sa makinis na sahig para maka-slide ang trapo.

Low impact ang mga exercise na ito kaya't makakaiwas sa injury. Pero siguradong mato-tone ang buong katawan kapag inulit ang routine nang ilang beses at gagawin nang regular sa isang linggo.

--Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.