A fire, which reached third alarm, razes a residential area in Brgy. Old Capitol Site in Quezon City on May 21, 2023. Mark Demayo, ABS-CBN News
MAYNILA - Nasunog ang isang residential area sa Barangay Old Capitol Site sa Quezon City Linggo ng hapon.
Ayon sa inisyal na ulat, nagsimula ang sunog pasado alas-3 ng hapon. Itinaas ito sa ikatlong alarm bago idineklarang under control pasado alas-5 ng hapon.
Sa kasalukuyan wala pang naiuulat na nasaktan o nasawi sa insidente.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa pinagmulan ng sunog at inaalam pa rin kung ilang residente ang naapektuhan nito.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
sunog, Quezon City, Old Capitol Site, BFP, Bureau of Fire Protection, Tagalog news