Arestado ang isang lalaki matapos umanong tangayin ang sasakyan mula sa dati niyang pinagtatrabahuhan sa Maynila.
Unang ini-report ang insidente ng carnapping ng company vehicle noong Huwebes sa himipilan ng anti-carnapping unit ng Manila Police District (MPD), dahilan para magkasa ng operasyon ang mga awtoridad.
Makalipas ang 2 araw, narekober ang pampasaherong van sa Bagong Silang, Caloocan City.
Base sa inisyal na imbestigasyon, lumabas na ang suspek ay company at family driver ng biktima.
Ayon kay Capt. Joel Aquino, assistant chief ng anti-carnapping unit ng MPD, natanggal sa trabaho ang suspek kaya niya ginawa ang krimen.
Wala umanong ideya ang mga dating kasamahan ng suspek na hindi na siya parte ng kompanaya kaya binalewala lang nila nang kuhanin nito ang sasakyan.
Hindi rin itinanggi ng suspek ang ginawang krimen, na ganti umano niya sa ginawa sa kaniyang pagpapaalis sa trabaho nitong Mayo lang.
"Kinuha ko 'yong sasakyan dahil sa ginawa po sa akin na forced termination. Bali wala naman po kasi akong ginagawang kasalanan na mabiga tpara sa ganoong ginawa sa akin... ganti lang," anang suspek.
Kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Law ang haharapin ng suspek.
FROM THE ARCHIVES
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.