PatrolPH

Marcos Jr. hinikayat ang mga Pilipino na magpabakuna kontra COVID

Joyce Balancio, ABS-CBN News

Posted at May 21 2022 08:18 PM


Nagpaalala si presumptive president Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa mga Pilipino hinggil sa kahalagahan ng pagbabakuna kontra sa COVID-19. 

Sa kanyang video blog sa YouTube nitong Sabado, sinabi niyang dapat hindi maging kampante laban sa coronavirus. 

"Sa ngayon maging maingat pa rin dahil sa patuloy na banta ng COVID. Kung hindi pa po nababakunahan ang inyong mga anak, ay i-schedule niyo na po at kasama na ang booster shots niyo," sabi ni Marcos Jr. 

"Maging maingat, maging mapagmahal sa kapwa at bayan," dagdag pa niya. 

Sa pinakahuling tala ng Department of Health, nasa 66,330,877 na mga Pilipino na ang nakakumpleto ng hanggang 2nd dose ng COVID-19 vaccines, pero nasa 13,810,145 pa lang ang nakakatanggap ng booster shots. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.