PatrolPH

Bangkay ng balyena napadpad sa Davao Occidental

ABS-CBN News

Posted at May 21 2022 10:50 PM

Kuha ni Matthew Rafael Medel
Kuha ni Matthew Rafael Medel

Isang patay na balyena ang napadad sa dalampasigan ng Barangay Sugal sa bayan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental nitong Sabado ng umaga.

Ayon kay Matthew Rafael Medel na nakakuha ng mga litrato at video, hindi napansin ng mga residente ang balyena dahil may kalayuan ang lugar sa mga bahay.

Sabado ng hapon, dumating ang Philippine Coast Guard sa lugar. Nakatakdang isailalim sa necropsy ang mga labi ng balyena para malaman ang dahilan ng pagkamatay nito.

Ayon kay Darrell Blatchley, isang marine biologist at bone collector, isang adult sperm whale ang nasabing balyena.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.