PatrolPH

Senior citizen patay sa pamamaril sa Tondo

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at May 21 2021 09:19 AM | Updated as of May 21 2021 09:41 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Dead on the spot ang isang motoristang senior citizen nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Tondo Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Alberto Neneng, 64. Kuha sa CCTV ng Barangay 207 na nagmamaneho ng motorsiklo ang biktima sa Solis Street nang dikitan ng riding-in-tandem at pinagbabaril.

Angkas pa ng biktima ang kaniyang asawa na nagtamo ng mga galos sa binti dahil sa pagkakatumba sa motorsiklo.

Ikinagulat ng pamilya ang pamamaril lalo’t wala silang alam na nakaalitan ng bitkima. Pero ayon sa pulisya, kasama siya sa drugs watchlist.

Tatlong basyo ng kalibre 45 baril ang nakuha sa crime scene.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.