PatrolPH

Lalaki sugatan matapos barilin ng pulis sa Aklan

ABS-CBN News

Posted at May 21 2021 10:18 PM | Updated as of May 21 2021 10:50 PM

Sugatan ang isang lalaki matapos umanong barilin ng isang pulis sa Brgy. Mambog, sa bayan ng Banga, Aklan, Biyernes ng umaga.

Sa imbestigasyon ng Banga PNP, pinaayos ng pulis sa biktima ang kaniyang tricycle matapos ma-flat ang gulong nito.

Nagkaroon umano ng hindi pag-iintindihan ang pulis at ang biktima ng tanungin ng suspek kung kamusta na ang kaniyang ipinapaayos na tricycle, hanggang sa nauwi sila mainit na pagtatalo.

Habang pinapakalma ng pulis ang biktima ay lalo pa nagalit umano ito kaya kumuha ito ng kawayan para ihampas sa pulis.

Nang maiwasan siya ng pulis, kumuha ulit ang biktima ng bakal na tubo at tinangka niyang hampasin umano ang suspek, na bumunot ng baril at pinaputok sa biktima.

Kaagad naman dinala sa ospital ang biktima at patuloy na ginagamot.

Sumuko naman ang pulis sa mga rumespondeng awtoridad at isinuko rin ang kaniyang PNP-issued firearm na kaniyang ginamit sa pamamaril.

Nasa pangangalaga na ng Banga PNP ang suspek at hinihintay na lamang ang desisyon ng pamilya ng biktima kung magsasampa ang mga ito ng kaso laban sa pulis.

--Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.