PatrolPH

Barangay kagawad patay sa pamamaril sa Davao de Oro

ABS-CBN News

Posted at May 21 2021 03:13 AM

Patay ang isang barangay kagawad sa bayan ng Maco, Davao de Oro matapos siya pagbabarilin ng 7 armadong lalaki Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Oliver Bataluna Ripdos, 42, sa Purok 1, Barangay Sangab ng naturang bayan.

Base sa salaysay ng asawa ng biktima, pauwi na sana sila sa kanilang bahay para mananghalian mula sa kanilang bukid, nang bigla na lang binaril ng isang lalaki kasama ang iba pang armado ang biktima. 

Nagtamo ng apat na tama sa likod ng katawan ang biktima na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. 

Sa imbestigasyon ng Maco Police Station, mga miyembro ng isang communist terrorist group umano ang mga salarin at patuloy pang inaalam ang motibo ng krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin.

— Ulat ni Cheche Diabordo

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.