PatrolPH

4 magkakapitbahay patay sa diarrhea sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at May 21 2021 10:59 PM

Naaalarma ang mga residente sa isang barangay sa Davao City matapos ang sunod-sunod na pagkamatay ng apat na tao sa isang purok sa lugar dahil umano sa diarrhea o pagtatae.

Ayon sa Department of Health XI, nakaranas ng pagtatae bago namatay ngayong linggo ang purok leader na si Eduardo Edica at ang kaniyang anak; isang Jesus Olarte; at isang 77-anyos na babae.

Lahat sila ay mula Purok 10, Sitio Balon sa Brgy. Tigatto.

Itinuturing na dahilan ang tubig sa isang poso sa naturang na purok, na maaaring nainom ng mga biktima.

Matagal na umanong pinagkukunan ng tubig ang poso dahil walang suplay na malinis na tubig sa lugar.

Nag-inspeksyon at kumuha ng water sample ang Department of Health at city health office.

"Ang ilang balon, duol kaayo sa CR, ug duol sa mga babuyan. Pwede siyang ma-contaminate," ani anitation inspector na si Zafiro Millana, sa panayam sa kanya ng PTV Davao.

(Ang kanilang poso ay masyadong malapit sa CR at malapit din sa mga babuyan. Maaari siyang na-contaminate.)

Itinigil muna ang pagkukuha ng tubig sa poso at binigyan ng suplay ng tubig ang mga residente mula sa barangay.

Nagsagawa na rin ng rectal swab ang DOH at city health office sa mga residente ng barangay.

--Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.