PatrolPH

Senior citizen patay sa pananaga umano ng kapitbahay sa N.Occidental

Mitch Lipa, ABS-CBN News

Posted at May 21 2020 07:47 PM | Updated as of May 21 2020 08:31 PM

CADIZ, Negros Occidental - Patay ang isang 61 anyos na babae sa lungsod na ito Miyerkoles matapos pagtatagain umano ng kapitbahay dahil sa isang away.

Sa imbestigasyon ng pulis, nakasagutan ng biktima na si Nenita Aguisando ang kaniyang kapitbahay dahil sa dumi ng manok ng suspek na pumupunta umano sa bakuran ng senior citizen.

Nakainom umano ang suspek at nagwala ito.

Naging mainit ang sagutan ng dalawa hanggang sa pinagtataga ng suspek ang biktima gamit ang isang espading.

Dinala sa Cadiz City District Hospital si Aguisando pero nasawi din siya.

Tumakas naman ang suspek, na tinutugis na ng mga awtoridad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.