PatrolPH

6 patay matapos mag-amok, magpaulan ng bala ang isang dating sundalo

Jenette Ruedas, ABS-CBN News

Posted at May 21 2020 03:37 PM

CALBAYOG CITY — Anim ang patay at 2 ang sugatan matapos mag-amok ang isang dating sundalo sa Barangay Gadgaran dito noong Martes ng hapon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Calbayog police, nasa impluwensya ng alak ang suspek na nakilalang si Glenn Balonan, isang dating sundalo.

Bigla na lang nagpaulan ng bala ang suspek dahilan para tamaan ng bala ang ilang kabarangay nito at ilang bystanders. 

Kinilala ang mga nasawi bilang sina Carlo Saldania, Garry Saldania, Jalita Ramada, Vicente Lozano, Jimmy Jadulco, at Leopoldo Molat.

Sugatan naman sina Humphrey Tacaldo at Janine Barreto.

Agad na rumesponde ang kapulisan kung saan nagkabarilan din ang mga pulis at ang suspek.

Natamaan ang suspek sa iba’t ibang parte ng katawan nito. Nadala pa ito sa ospital pero binawian din ng buhay.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

Wala pa silang masabing motibo sa krimen. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.